Ang kwento po natin ay pangamba ng dalawang OFW na ama sa Canada na nawalan ng trabaho dulot ng malawakang lay-off gawa ng covid-19. Mabigat ang kanilang suliranin sa kasalukuyang na nag-iisip sa mga patong-patong na bayarin para matustusan ang pangangailangan ng pamilya, kaya magtweet na using the “#cuentameJOBLESS”.




Ang episode po natin ay ang dalawang ama na parehas nawalan ng trabaho, na pinamagatang “Jobless dulot ng covid-19, dalawang Ama nangangamba!”

Dear Jon and Jeri,

Habang ang mundo po ay nag-iisip kung paano matitigil ang covid-19, may ilang tao po sa Pilipinas na nag-iisip kung magkano ang dapat nilang makuhang remittance kahit ang paligid ay puro lockdown na. Isa po akong OFW, ama na nakasama sa 20% na nalay-off dito sa Canada dahil sa pandemia. Nagstreamline po ang oil and gas company na pinagtratrabahuhan ko dito, pero ang masakit at nakakarindi ay ang paulit-ulit na pananakot ng dati kong asawa. Pinipilit niyang bayaran ko ang monthly dues ng sasakyan na siya naman ang gumagamit na nakapangalan sa kanya. Patuloy naman po ang sustento ko na walang palya bawat buwan para sa mga bata pero bumaba sa ngayon dahil sa kawalan ng trabaho, ano po ang dapat kong gawin?

Alibaba Cloud

Kaisa po ako sa kwento ni Epoy ng Calgary sa Canada na nawalan ng trabaho mula sa video ni RjRabanera at ito ang kwento niya:

“Ako nga pala si Epoy, yun naapektuhan ako ng lay-off dito sa Calgary or sa Canada. Kasi ‘yung pinagtratrabahuhan kong cafeteria ay nagsara…kasi sa malawakang ban nga. Ngayon nung nalay-off ako…eh kusinero kasi ako sa cafeteria, eh. Tapos, sa cafeteria sa loob ng isang building…tapos ang pinapakain naming dun pre…anu, ay empleyado ng ESSO (Mobil) so oil and gas din siya. Malaking building din siya, tapos sinabi ng mga boss doon isasara na ‘yung building or isasara na ‘yung cafeteria dahil sa corona virus na’to…so ‘yun nawalan ako ng trabaho. Binigyan ako ng letter na unemployment pero ‘nung impact sa akin na mawalan ka ng trabaho…is malaki. Kasi 12 years ako dito sa Canada, first time akong nakaranas na mawalan ng trabaho. Ang epekto sa akin emotionally, tsaka mentally…sa totoo lang, kasi tatlo ang anak ko…12 years old, 11 years old at tsaka 7 years old. Epekto sa akin na paano ko ba mababayaran ang bills ko, paano ko mabubuhay ang pamilya ko…nakakakaba!”

Hugot for Cuentame!

Para kay Kuya na nagtratrabaho sa oil and gas, walang basehang legal ang pananakot ng asawa mo kung patuloy naman ang sustento mo monthly maging maliit man yan o malaki, lalot nagsusumikap ka pa ring magpadala kahit wala kang trabaho. Ang sasakyan ay pwedeng ibenta lalot hindi ito nakapangalan sa iyo dahil ito ay isang luho na hindi kailangan sa ngayon.

Smarter Loans 728X90

At kay Epoy, pwede kang magtraining at maraming available diyan sa Canada para palakasin ang iyong skills upang maging handa sa paglakas uli ng ekonomiya.

Ang aking hugot sa cuantame ay malaki man o maliit na halaga ay dapat matuto tayong magpasalamat. Di natin alam kung ano ba ang tunay na sitwasyon ng ating mga kababayang OFW na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nakatanggap din ako ng email sa bangko sa Pilipinas na gaya ng BDO na nag ooffer sila ng 60 day payment extension on loan payment dues without interest!

Iyan po ang hugot namin for Cuentame!

Highlights of Cuentame!

Mga nakaraang episode po natin ay pagpupugay ng masigabong palakpakan para sa ating mga Frontliners pero ngayon ay pagsaludo at pasasalamat sa “ibat-ibang mukha ng pagtulong” mula sa mga ordinaryong mamamayan, celebrities at politicians. Malaki man o maliit na tulong ay dapat pasalamatan na kailangang saluduhan upang mangibabaw ang bayanihan sa panahong ng krisis. Maraming salamat at magpatuloy po ang ating pagtulong sa ating kapwa:



  1. Pabirthday ni Meme Vice sa oras ng krisis.
  2. Pamilyang handog mula kay Alex Gonzaga.
  3. Thinking Pinoy, VP Leni at Bong Go para sa handog na PPE.
  4. Darna ng Bayan Angel Locsin at mga tents.
  5. Testing kits ng Magkaibigang Manny Pacquiao at Jack Ma.
  6. Pagkalinga ni Pokwang sa mga Frontliners.
  7. Nadaramang hinagpis sa kabila ng pagtulong ni Francis Leo Marcos.
  8. Linis at ready na relief goods ni Ivana Alawi.
  9. Bunga ng kalamansi para sa kababayan ni Patrick Ibrahim.
  10. Pagsaludo sa pamimigay ng blessings mula sa Momshies ng Magandang Buhay: Karla, Jolina at Melai.

Panawagan ng Cuentame!

Ano pang hinihintay mo, magtweet o mag-pm na kay Jon and Jeri para  ikwento o ibulalas ang inyong saloobin o tanong sa buhay, ipadala o magmessage sa Facebook Account na “Jon En Jeri”,  Facebook page ng Jericho’s Place Travels and Blogs o Jaryo Group Online o mag-email sa amin sa: jon@jerichosplace.com.

Toynk Toys

Bawat kwento po ay hahanapan namin ng kasagutan na magbibigay ng inspirasyon at aral para sa ating mga kababayan. Bibigyan po namin ng regalo mula dito sa Europa at mga kwentong inyong ipapadala. Kaya comment na below at magsubscribe na sa aming YouTube Channels na Jon and Jeri at Jericho’s Place at bisitahin ang aming website na www.jerichosplace.com!

Ano ang Tanong?

Ang tanong po natin: “Sino si Kuya Kim? Siya ang……” I-comment na below ang inyong sagot.

Then comment below, share, likes and subscribe now to Bisitang Pinoy “Jon and Jeri” & “Jericho’s Place” at YouTube Channel then follow our blogs at www.jerichosplace.com and register to Teaching English in Madrid at www.teach.jerichosplace.com.

Anu pang hinihintay ninyo so chat na sa: http://jerichosplace.chatango.com/ o mag- whatsapp na sa no. +34-672407221 and +639209651979 then subscribe now bestfriend JPs and OFWs around the world!

Our Bestfriend JPs and OFWs around the world, if you have story from ordinary to being extraordinary, from rags to riches story, silver lining to gold spoon achievements or simply to boost your confidence and morale then send your CVs or RESUMES plus attached a 1 to 2 minutes video clip and photos (only wholesome videos and photos will be accepted) on our email found below to be posted online for free, maybe you can find your “Job of a Lifetime.”

Jon and Jeri Advice- “Hanggang bata ka pa ay magnegosyo na, sabayan ng sipag, tiyaga, koneksyon at diskarte, samahan ng sipag sa pag-aaral para ang buhay ay bumuti!” (Start your business while young plus learn the art of hard work, patience, connection and pursuant to finish your college education then your life will be successful in the future.)

(YOU TOO can invite us to cover your events and product presentations for FREE to be featured in our blogs @ http://jerichosplace.com , Jon & Jeri and Jericho’s Place Channel in YouTube. FREE selling, posting of products & services @ https://ads.jerichosplace.com and hotel booking at  http://condotel.jerichosplace.com. We are ready to serve you even on a simple gathering to make your event meaningful just message us at Whatsapp no: +34-672407221 and +639209651979, we will wait for your comments and invitation down below…SUBSCRIBE NOW!)




🔥1

Jon Pedragosa

Jon is one of the hosts of Bisitang Pinoy “Jon and Jeri” and “Jericho’s Place” at YouTube Channel. He already travelled in 35 countries and territories on his porfolio. He is a small-scale entrepreneur, blogger and founder of www.jerichosplace.com and Jericho’s Place Condotel. A certified TEFL teacher handling 121 classes and groups from ESO to adults in general, and business English. He worked in an Oil and Gas Industry as a Field Administrator with sixteen (16) years of total experience in Administration (Site/ Project), HR, Procurement, Vendor and Sales Coordination for production operations, construction, compression plant projects and petrochemical industries from UAE, Kuwait, Saudi Arabia and Qatar.