Ang kwentong ito ay mula sa babaeng dinapuan ng COVID-19 dito sa Barcelona, Espanya at mga kwento na aming naransan mula dito sa Madrid sa panahon ng lockdown. Mag-tweet na using the “#CuentameCOVID19”. Ito ay episode na “Isang Ina infected ng COVID-19, may paalala?”




Dear Jon and Jeri,

Ang kwentong ito ay hango sa isang OFW dito sa Barcelona, Spain na nai-feature ni Lyn Tumbaga-Diez sa EBC Barcelona para maging ejemplo ng ating mga kababayan na walang ideya o kamalayan sa sakit na COVID-19. Isang OFW at ina na nakabase dito sa Barcelona na si Arianne Canopio, isa siya sa mga libu-libong nagkaroon ng infection ng COVID-19 noong 13 Marso 2020 sa Hospital del Mar na nakasurvive!

1. Ano ang iyong pakiramdam matapos madischarge sa hospital mula sa pagkakasakit ng COVID-19?
Two (2) days na po after ng madischarge sa hospital. Hindi pa po ako fully nakakahinga ng malalim kay hindi pa po 100%. Pero sa tingin ko po pinalabas nila ako dahil po nakita naman nila na ok na yung paghinga ko kahit papaano at saka puno rin po sa hospital sa ngayon.

2. Ano ang mga sintomas na iyong naramdaman?
Iyong 1st symptom ko po ay lumabas noong last week (Lunes, 9 Marso 2020). Nilagnat po ako na parang trangkaso tapos iyong lalamunan ko po na parang may sore throat na nanunuyo paggising ko ng umaga. Pumasok pa ako sa work noon, 2 days na ganun ang pakiramdam. Tapos noong Thursday po ay pumunta ako ng clinic, Cheneck-up ang paghinga ko at saka ang temperature. Ang sabi normal lang at lagnat lang daw po, pwede ng iuwi sa bahay at pahinga lang. Gumaling po ako nun sa lagnat, sa trangkaso pero noong ikaapat na araw, nag-umpisa na hindi ako makahinga pero wala na po akong lagnat nun.

3. Paano nalaman na infected ka ng COVID-19?
Noong unang punta ko po sa clinic, cheneck po nila through x-ray po yung lungs ko. Doon po nila nakita na may infection sa left lung tapos possible na pneumonia daw po ang sinabi. Ginawa sa akin iyong test ng Sabado (14 Marso 2020), nag-positive. Tuloy-tuloy na po ako naka-admit…na po ako sa hospital nun. Tapos, pumapasok sila sa room na naka-full gear sila na nakabalot lahat. Every morning po may binibigay na mga medicines, mga limang (5) tablets po tapos kasabay nun yung antibiotic sa dextrose na dumadaan sa vein. Tapos, araw-araw din po akong kinukunan ng dugo, chenecheck nila ang temperature ko lagi at iyong vitals ko.

4. Anu-ano ang iyong naisip o agam-agam nung malaman mo na positive ka sa COVID-19?
Hindi ko po nakikita ang pamilya ko kasi akala ko po papunta lang po ako ng clinic, i-checheck nila pero iyon na pala ang huling beses na makikita ko sila. Tapos natakot po ako ng sinabi na nagpositive po ako, kasi hindi ko alam kung kailan ako makakalabas o kung gagaling ba ako. Iyon po ang takot na baka hindi ako makalabas sa hospital.

5. Message o paalala sa ating mga kababayan para maiwasan na magkaroon ng COVID-19?
Kailangan nilang seryosuhin talaga yung virus kasi hindi biro. Ako personally nararanasan ko iyong hirap, yung epekto ng virus. Dati akala ko din, ganun din wala lang…pagna-ano ay trangkaso lang pero iba-iba ang epekto sa tao lalo na sa mga nakakatanda. Ngayon kung alam nilang mayron sila or i-assume na natin na mayron sila na kahit wala silang symptoms na huwag silang manghawa ng ibang tao, magstay sila sa bahay. Iyon ang pinaka-safe na first na kailangan nilang gawin…magstay sa bahay!

Hugot for Cuentame

Isang pagpupugay ng masigabong palakpakan diyan sa Plipinas para sa mga frontliners (medical practitioners, soldiers and police, government staff and volunteers, supermarket staff and more). Dito sa Espanya ay nakagawiaan simula ng 14 Marso 2020 ng magdeklara ng State of Emergency na tuwing alas-8 ng gabi ay magpalakpakan para magpugay sa mga frontliners.

Ito po ang hugot namin for Cuentame sa panahon ng lockdown na masuwerte ang Pilipinas kasi kahit papaano ay may natatanggap na biyaya mula sa gobyerno na binibigay sa mga tao samantalang dito sa Espanya ay walang ayuda na binibigay kundi ang normal sweldo para sa mga taong nagtratrabaho pero hindi para sa lahat na apekatado ng lockdown.

Isa pang paalala na huwag masyadong matigas ang ating mga ulo. Makinig tayo sa sinasabi ng ating gobyerno dahil para din ito sa ating kabutihan. Kaya mas maganda na “quedateencasa”, ang ibig sabihin “I stay at home!”

Iyan po ang hugot namin for Cuentame!




Panawagan ng Cuentame

Ano pang hinihintay mo, magtweet o mag-pm na kay JON AND JERI para ikwento o ibulalas ang inyong saloobin o tanong sa buhay, ipadala o magmessage sa Facebook Account na “Jon En Jeri”, Facebook page ng Jericho’s Place Travels and Blogs o Jaryo Group Online o mag-email sa amin sa: jon@jerichosplace.com.

Bawat kwento po ay hahanapan namin ng kasagutan na magbibigay ng inspirasyon at aral para sa ating mga kababayan. Bibigyan po namin ng regalo mula dito sa Europa at mga kwentong inyong ipapadala. Kaya comment na below at magsubscribe na sa aming YouTube Channels na Jon and Jeri at Jericho’s Place at bisitahin ang aming website na www.jerichosplace.com!



Then comment below, share, likes and subscribe now to Bisitang Pinoy “Jon and Jeri” & “Jericho’s Place” at YouTube Channel then follow our blogs at www.jerichosplace.com and register to Teaching English in Madrid at www.teach.jerichosplace.com.

Anu pang hinihintay ninyo so chat na sa: http://jerichosplace.chatango.com/ o mag- whatsapp na sa no. +34-672407221 and +639209651979 then subscribe now bestfriend JPs and OFWs around the world!

Our Bestfriend JPs and OFWs around the world, if you have story from ordinary to being extraordinary, from rags to riches story, silver lining to gold spoon achievements or simply to boost your confidence and morale then send your CVs or RESUMES plus attached a 1 to 2 minutes video clip and photos (only wholesome videos and photos will be accepted) on our email found below to be posted online for free, maybe you can find your “Job of a Lifetime.”

Jon and Jeri Advice- “Hanggang bata ka pa ay magnegosyo na, sabayan ng sipag, tiyaga, koneksyon at diskarte, samahan ng sipag sa pag-aaral para ang buhay ay bumuti!” (Start your business while young plus learn the art of hard work, patience, connection and pursuant to finish your college education then your life will be successful in the future.)

(YOU TOO can invite us to cover your events and product presentations for FREE to be featured in our blogs @ http://jerichosplace.com , Jon & Jeri and Jericho’s Place Channel in YouTube. FREE selling, posting of products & services @ https://ads.jerichosplace.com and hotel booking at http://condotel.jerichosplace.com. We are ready to serve you even on a simple gathering to make your event meaningful just message us at Whatsapp no: +34-672407221 and +639209651979, we will wait for your comments and invitation down below…SUBSCRIBE NOW!)




🔥0

Jon Pedragosa

Jon is one of the hosts of Bisitang Pinoy “Jon and Jeri” and “Jericho’s Place” at YouTube Channel. He already travelled in 35 countries and territories on his porfolio. He is a small-scale entrepreneur, blogger and founder of www.jerichosplace.com and Jericho’s Place Condotel. A certified TEFL teacher handling 121 classes and groups from ESO to adults in general, and business English. He worked in an Oil and Gas Industry as a Field Administrator with sixteen (16) years of total experience in Administration (Site/ Project), HR, Procurement, Vendor and Sales Coordination for production operations, construction, compression plant projects and petrochemical industries from UAE, Kuwait, Saudi Arabia and Qatar.